Public Market FAQs
Find quick guidance on complaint filing, mediation, and resolution steps.
- Ang Consumer Complaint ay isang nakasulat na pahayag na inihain ng isang mamimili na nagpapahayag hinaing o reklamo tungkol sa paglabag sa Consumer Act of the Philippines, Trade and Industry laws, patas at makatarungang pagnenegosyo.
Ang naturang konsyumer ay hinihikayat gawin ang mga sumusunod na hakbang:
- Tukuyin ang problema;
- Ipunin ang mga kasulatan o resibo;
- Bumalik sa pinagbilhan at maayos na makipag-usap sa pinagbilhan; kung hindi napagbigyan
- Gumawa o maghain ng reklamo.
Maaring maghain ng reklamo/hinaing ang mga mamimili o konsyumer na nakaranas ng paglabag sa Consumer Act of the Philippines, Trade and Industry Laws o hindi patas at makatarungang pagnenegosyo sa pamilihang bayan or pang publikong palengke, tulad ng mga sumusunod:
- Hindi tamang timbang,
- Depektibong timbangan,
- Gumagamit ng hindi rehistradong timbangan,
- Pamamalakad ng mga negosyo sa pamilihang bayan,
- Wala / Maling Price Tag,
- Walang business permits,
- At iba pang mga paglabag.
- Maaring maghain ng reklamo/hinaing via online sa Consumer Page ng Project METRO.
- URL: https://www.ikotpalengke.onedevph.online/
- Maari din maghain ng reklamo/hinaing ng personal sa opisina ng Market Admin.
- Susuriin ng Market Administrator ang mga naisumiteng reklamo/hinaing.
- Kung ang makatarungang reklamo/hinaing ay tungkol sa pagsasaayos ng palengke, ito tutugunan at bibigyan ng nararapat ng aksyon.
- Kung ang makatarungang reklamo/hinaing naman ay paglabag sa Consumer Act of the Philippines, Trade and Industry Laws o hindi patas at makatarungang pagnenegosyo sa pamilihang bayan or pang publikong palengke, ipapatawag ang mga partidong sangkot para sa mediation upang pag-usapan at hanapan ng solusyon ang reklamo.